^

Metro

Ama ipinagtanggol ang anak, todas

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ibinuwis ng isang ama ang kanyang buhay makaraan itong saksakin ng ilang kalalakihan na gumulpi sa kanyang anak, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Dead-on-arrival sa Pa­ga­mutan ng Lungsod ng Ma­labon sanhi ng dalawang saksak sa likod ang biktima  na si Teodulfo Dayuon, 54, truck driver ng Guiguinto, Bulacan.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na si John Ongotan at hindi pa kilalang mga kainuman nito.

Batay sa ulat ng Ma­labon City Police, naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi sa kahabaan ng Pampano St., Dagat-Dagatan­ ng naturang lungsod­.

Minamaneho ng biktima ang isang trailer truck habang nagsisilbing pahinante naman­ ang anak nitong  si Jonald, 23.

Pagsapit sa naturang lugar­ ng mag-ama  ay na­sagi nila ang isang sign board ng isang medical clinic.

Nagalit ang mga suspek at nilapitan ang truck ng mag-ama kung saan bumaba si Jonald at humingi ng pasensiya.

Hindi pinakinggan ng mga suspek si Jonald at pinagtulungang bugbugin na naging dahilan upang bumaba na rin ang biktima upang saklolohan ang anak, subalit na­baling sa kanya ang galit ng mga suspek hanggang sa pag­tu­lungang bugbugin ito at bago nagsitakas ay si­naksak pa sa likod si Teo­dulfo na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

 

vuukle comment

BATAY

BULACAN

CITY POLICE

JOHN ONGOTAN

JONALD

MALABON CITY

PAMPANO ST.

SHY

TEODULFO DAYUON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with