MANILA, Philippines - Utas ang isang 21-anyos na pugante makaraang mabaril ng isa sa umaarestong pulis matapos na mang-agaw ng baril ng isa pang pulis, kamakalawa ng hapon sa Taguig City.
Nagtamo ng tama ng bala sa ulo at katawan si Rjay Bassi, residente ng Addition Hills, Mandaluyong City at nahaÂharap sa kasong pagnaÂnakaw sa Mandaluyong City Police.
Sa ulat ng Taguig City Police, unang tumakas sa Mandaluyong City Police detention cell si Bassi kamaÂkailan. Nakarating naman sa pulisya ang impormasyon na nagtatago si Bassi sa Palar Village, sa Taguig.
Agad na nakipagkoÂordinasyon sina PO2s Edward Saligo at Edward Pasco sa Taguig Police upang magsagawa ng operasyon para muling madakip si Bassi. Dakong ala-1:30 kamakalawa ng hapon nang masukol ng dalawang pulis si Bassi sa may Chieftain Street, Group 3, Palar Village, Taguig.
Sa halip na maayos na sumuko, inagaw umano ni Bassi ang baril ni Saligo. Ngunit bago nito maiputok ang baril, naunahan na siya ni Pasco na agad pinaputukan ang suspek sanhi ng kanyang kamatayan.