MANILA, Philippines - Na-shock ang isang ginang matapos itong mabagsakan ng isang higanteng billboard sa isang bakanteng lote ng North Luzon Expressway (NLEX) sa Caloocan City noong Linggo.
Nasa mabuti nang kalagayan at pinalabas na ng osÂpital ang biktimang si RosaÂlinda Zacarias, ng Libis, Brgy. 160 ng nasabing lungsod.
Ayon kay P/ Supt. FerdiÂnand del Rosario ng CaloÂocan City Police, naganap ang inÂÂsidente dakong alas-3:30 ng hapon sa naturang lugar kasabay nang malakas na ulan dahilan upang kumalas ang higanteng billboard.
Walang kamalay-malay ang ginang nang biglang buÂÂmagsak ang naturang hiÂganteng billboard at nabagsakan ito.
Hanggang sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang naturang insiÂdente at papanagutin din ang nagmamay-ari ng billboard.