MANILA, Philippines - Dalawa sa tatlong pinaniniwalaang miyembro ng ‘gun-for-hire’ ang inaresto ng Manila Police District-Homicide Section kaugnay sa isinagawang pananambang sa magka-live-in sa Sampaloc, Maynila, noong Agosto 29.
Nakapiit na ang mga suspect na sina Elvis Venus, 35, taxi driver, ng Damayan Lagi, New Manila, Quezon City at Danilo Corpuz, 37, cook at residente ng Sitio Mendez, Baesa, Caloocan City.
Sa panayam kay MPD-HoÂÂmicide Section chief, P/Senior Insp. Steve Casimiro, si Venus ang driver ng get-away taxi (UVV-322) na ginamit ng mga suspect na sina Danilo at nakakalaya pang kapatid nito na si Darlito, 40, ang itinuturong gunman sa pagpatay sa mga bikÂtimang sina Winebaldo Serrano, 52, engineer na nakaÂtalaga sa PreÂsidential MaÂnagament Staff sa Malacañang Palace at live-in partner nitong si Leticia Gundayao, 49, noong madaling-araw ng Lunes sa gate ng kanilang tinutuluyan sa Prudencio St., Sampaloc.
Aminado si Casimiro na wala pa silang nakukuhang motibo at kung sino ang nasa likod ng pamamaslang dahil tumatanggi pa ang mga suspect na may kinalaman sila sa nasabing krimen.
Gayunman, may hawak silang ebidensiya na nagtuturo sa mga suspect kabilang ang plate number na ibinigay sa kanilang tanggapan ng isang testigong security guard, na nagbigay din ng salaysay hingÂgil sa naobserbahang pagÂmamanman ng mga suspect gamit ang nasabing taxi, gabi pa lamang ng Agosto 29 na kahina-hinala na ang mga kilos at nagtatago sa bahaging madilim at umiiwas sa ilaw ng ibang sasakyan na dumaraan.
Naisulat umano ng sekyu ang plate number sa rekord form at makalipas ang ilang oras ay doon na narinig ang magkakasunod na putok. NaÂkita rin niya ang dalawang lalaki na nagmamadaling sumakay ng taxi bago ito pinaharurot.
Ayon kay SPO1 Jupiter Tajonera, unang dinakip si Venus habang nakaistambay sa Araneta Avenue sa Quezon City na siyang nagturo naman sa magkapatid na sina Danilo at Darlito.
Si Danilo ay naaresto sa loob ng kanyang bahay dakong alas-2:00 ng hapon habang patuloy pa ang pagtugis kay Darlito.