MANILA, Philippines - Nagpatupad na kahapon ng umaga ng mataas na pagtataas sa presyo ng petrolyo ang ilang kompanya ng langis sa bansa.
Nabatid na dakong alas-6 ng umaga nang sabay-sabay na magpatupad ng oil price hike ang mga kompanyang Petron Corporation, Pilipinas Shell at independent player na Phoenix Petroleum.
Sa advisory ng Petron, nasa P1.25 kada litro ang itinaas sa presyo ng premium at unleaded gasoline, P1.15 sa kada litro ng kerosene at P1 kada litro ng diesel.
Nagtaas naman ang Shell ng P1.35 kada litro sa gasolina, kahalintulad na P1.15 kada litro sa kerosene at P1 sa diesel. Kahalintulad na halaga rin ang itinaas ng Phoenix Petroleum sa kanilang mga produkto.
Wala pa namang inihahayag ang iba pang kompanya ng langis ngunit inaasahan na suÂsunod din ang mga ito sa bagong galaw sa presyo ng petrolyo sa lokal na merkado.
Patuloy na ikinatwiran ng mga kompanya ng langis ang nararanasang tensyong political sa gitnang silangan partikular sa Syria sa pagtaas sa halaga ng langis na kanilang inaangkat sa internasyunal na pamilihan.
Samantala, pinadalhan naman ng sulat ng Department of Energy ang Shell at Total Philippines upang pagpaliwanagin sa labis na halagang kanilang itinaas nitong nakaraang Lunes sa presyo ng kanilang “liquefied petroleum gas (LPG)â€.
Sinabi ni DOE Secretary Jericho Petilla na sa kanilang kalkulasyon ay hindi dapat tataas sa P3 kada kilo ang dapat itaas sa presyo ng LPG. Nabatid na nagtaas ng P4 kada kilo ang Solane at Shell habang P3 kada kilo naman ang itinaas ng Total.