^

Metro

Mister binoga sa mismong birthday

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kasalukuyang nakikipagbuno kay kamatayan ang 32-anyos na mister sa mismong kanyang birthday makaraang barilin ng barangay tanod kahapon ng madaling-araw sa Malabon City. Naisugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Aristom Baluyot ng  Brgy. Maysilo na nagtamo ng mga tama sa katawan at paa. Pinaghahanap naman ng pulisya ang barangay tanod na si Willy Marayag, stay-in sa barangay hall ng nabanggit na barangay. Ayon kay SP01 Edcel dela Paz ng Criminal Investigation Division, naganap ang krimen dakong alas-2 ng madaling-araw sa tapat ng barangay outpost sa  panulukan  ng Yanga at M.H. Del Pilar Street. Nauna rito, nagdiwang ng kanyang birthday ang bikitima at nakipag-inuman sa mga kaibigan at  habang mag-isang naglalakad pauwi napadaan ito sa outpost na binabantayan ng suspek. Sa hindi malamang kadahilanan nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa mapikon ang suspek at agad nagbunot ng baril at sunud-sunod na pinaputukan ang biktima. Matapos ang pamamaril ay kaagad na tumakas ang suspek habang ang biktima naman ay isinugod sa nasabing ospital.

ARISTOM BALUYOT

AYON

BRGY

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

DEL PILAR STREET

EDCEL

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

KASALUKUYANG

MALABON CITY

WILLY MARAYAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with