13 ex-PNP offc’l sa P400M scam nasa Camp Crame custody na
MANILA, Philippines - Umaabot na sa 13 dating opisyal ng PNP at ilang sibilyan na sangkot sa P400 milyon V150 Light Armored Vehicles (LAVs) repair scam noong 2007 ang isinailalim na sa kustodya ng PNP sa Camp Crame.
Ito ang inihayag kahapon ni PNP Public Information Office (PNP-PIO) Chief P/Senior Supt. Reuben Theodore Sindac base sa kautusan ng Sandiganbayan Fourth Division kaugnay ng samutsaring kaso na kinakaharap ng mga akusado sa anti-graft court.
Unang itinurnover ng Sandiganbayan noong Miyerkules si dating PNP Chief ret. Director General Avelino Razon Jr., at ilan pa sa mga opisyal na sabit sa kontrobersya.
Ayon kay Sindac, ang 13 akusado ay nasa ilalim ng kustodya ni P/Chief Supt. Samuel Yordan, director ng Headquarters Support Service (HSS) na may hurisdiksyon sa PNP Custodial Center.
Bukod kay Razon, kabilang pa sa isinailalim sa kustodya Camp Crame ay sina dating NCRPO Chief and Deputy Director Geary Barias; dating PNP comptrollers Eliseo de la Paz; former PNP National Headquarters-Bids and Awards Committee Chairman Reynaldo Varilla at iba pang mga dating opisyal ng PNP na sina Charlemagne Alejandrino, Emmanuel Ojeda, Reuel Leverne Labrado, Alex Barrameda, mga sibilyang empleyado na sina Nancy Basallo, Patricia Enaje, Ma. Theresa Narcise, Analee Forro, at si Josefina Dumanew.
Inihayag naman ni Yordan na lahat ng mga akusado ay sumasailalim sa mga patakaran at regulasyon ng isang detenido sa PNP Custodial Center.
Kaugnay nito, sinabi naman ni Sindac na 20 pa sa mga akusado ang pinaghahanap ng pulisya bagaman pinahihintulutan na magpiyansa ang iba sa mga ito.
Magugunita na sumuko si Razon at ilan nitong kaÂsamahan matapos na magpalabas ng warrant of arrest laban sa kaniya at 32 iba pa ang Sandiganbayan kaugnay ng umano’y repair at maintenance ng V150 LAVs na umaabot sa P358.48 milyon noong 2007 ng kasalukuyan pang PNP Chief ang una.
- Latest