Barilan sa tupada: 2 patay

MANILA, Philippines - Dalawa katao ang patay kabilang ang isang  retiradong pulis  matapos na magbarilan sa isang tupadahan noong Linggo sa Tondo, Maynila. Dead on the spot si  retired SPO2 Roberto Paulino, 56, ng  Delpan St., Binondo habang  binawian naman ng buhay sa Mary Johnston Hospital si Julieto Oliver, 41,  ng 2 Parola Compound, Tondo.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Jonathan Moreno, ng MPD homicide, alas-4:30 ng hapon nang maganap ang insidente nang  humantong sa pagtatalo ang  pambabatok ni Paulino kay Oliver  sa isang tupada sa Area-A, Parola Compound sa Tondo.

Sa galit ni Oliver, agad umanong binunot  ang  kalibre 45 na baril saka binaril si Paulino. Gamit naman ang  kalibre .38 baril,  gumanti ng putok  si Paulino.   Isinugod  sa Mary Johnston Hospital ang suspect na si Oliver ngunit alas 7:25 ng umaga  kahapon ng binawian ito ng buhay dahil sa tama ng bala ng baril.

Blangko pa ang pulisya sa dahilan ng pagkakainitan ng da­lawa na nauwi sa kanilang kamatayan.

 

Show comments