MANILA, Philippines - Umarangkada na naman ang programang ‘Joyful smile’ ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte para sa mga kabataan na may bingut sa lungsod.
Ang ‘Joyful smile: Clef Palate/Lip Operations’ ay isang regular na programa ni Belmonte na nagsimula taong 2010 hanggang sa kaÂsalukuyan ay naglalayong mabawasan ang bilang ng mga kabataang mahihirap na may cleft deformities.
Bilang bahagi ng adboÂkasiya sa Child Friendly QC, ang proyekto ay tumutugon sa karapatan ng mga kabataan na makapamuhay ng maayos at wasto at makatanggap ng kaukulang health services at makaranas ng may kalidad at malusog na pamumuhay para sa hinaharap.
Upang higit pang mapaÂlawak ang matutulungan ng programang ito ay hinikayat ni Belmonte ang Division of City Schools sa QC upang masinop ang mga mag-aaral na may clef deformities sa public at private elementary at high schools, gayundin ang Social Services Development Department sa mga Yakap Day Care Centers.
Sa tulong ng Philippine Band of Mercy sa East AveÂnue QC at Division of City Schools ay sasailalim sa screening at evaluation para sa surgery ang mga batang may bingut.
Magkakaloob din ang PBM ng libreng surgical procedures at iba pang medical therapeutic services tulad ng pediatric pre-operative care, medical evaluation, examination, dental at orthodental care, post operative care at speech therapy sa mga kabataang benepisyaryo na may bingut.