^

Metro

‘Joyful smile’ ni Joy B, umarangkada

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umarangkada na naman ang programang ‘Joyful smile’ ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte para sa mga kabataan na may bingut sa lungsod.

Ang ‘Joyful smile: Clef Palate/Lip Operations’ ay isang regular na programa ni Belmonte na nagsimula taong 2010 hanggang sa ka­salukuyan ay naglalayong mabawasan ang bilang ng mga kabataang mahihirap na may cleft deformities.

Bilang bahagi ng adbo­kasiya sa Child Friendly QC, ang proyekto ay tumutugon sa karapatan ng mga kabataan na makapamuhay ng maayos at wasto  at makatanggap ng kaukulang health services at makaranas ng  may kalidad at malusog na pamumuhay para sa hinaharap.

Upang higit pang mapa­lawak ang matutulungan ng programang ito ay hinikayat ni Belmonte ang Division of City Schools sa QC upang masinop ang mga mag-aaral na may clef deformities sa public at private elementary at high schools, gayundin ang Social Services Development Department sa mga Yakap Day Care Centers.

Sa tulong ng Philippine Band of Mercy sa East Ave­nue QC at Division of City Schools ay sasailalim sa screening at evaluation para sa surgery ang mga batang may bingut.

Magkakaloob din ang PBM ng libreng surgical procedures  at iba pang medical therapeutic services tulad ng pediatric pre-operative care, medical evaluation, examination, dental at orthodental care, post operative care at speech therapy sa mga kabataang benepisyaryo na may bingut.

 

BELMONTE

CHILD FRIENDLY

CLEF PALATE

DIVISION OF CITY SCHOOLS

EAST AVE

LIP OPERATIONS

PHILIPPINE BAND OF MERCY

QUEZON CITY VICE MAYOR JOY BELMONTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with