MANILA, Philippines - Patay ang isang kawani ng Malakanyang at ang live-in partner nito nang tambangan habang papasok sa gate ng kanilang bahay sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng madaling-araw.
Dead-on-arrival sa magkahiwalay na ospital ang mga biktimang kinilalang sina Winebaldo Serrano, 52, engineer na nakatalaga sa Presidential MaÂnagamenet Staff at live-in partner nitong si Leticia Gundayao, 49, empleyado ng Philippine Long Distance TeleÂphone (PLDT) at kapwa residente ng Prudencio St., Sampaloc, Maynila.
Ang dalawa ay kapwa nagtamo ng maraming tama ng bala sa kanilang mga katawan.
Agad namang tumakas ang suspect na armado umano ng kalibre .45 pistola kasama ang dalawa pang lalaki na nagsilbing mga look-out.
Sa imbestigasyon ni SPO3 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-HoÂmicide Section, karaniwang sinusundo umano ni Serrano si Gundayao sa pinapasukan sa Sta. Mesa at dakong alas-12:15 ng madaling-araw nang makauwi ang dalawa at habang papasok sa gate ng bahay ay doon sumulpot ang gunman at pinagbabaril ang mga ito.
Patuloy pang iniimbestigahan ang insidente para matukoy ang pagkakakilanlan sa mga suspect at maÂging ang motibo sa krimen.
Sinabi ng ilang kaanak ng mga biktima na wala namang kaaway ang mga ito para gawin ang pagpaslang.
Wala ring tinangay ang mga suspect na personal na gamit mula sa mga biktima.