MANILA, Philippines - Isasailalim sa masusing imbestigasyon ang isang miÂyembro ng Manila Police Dis trict na responsable sa pagtakas ng isang babaeng illegal recruiter kaya hindi na nakadalo sa preliminary investigation sa Department of Justice (DOJ) sa Ermita, Maynila, kamakalawa ng hapon.
Nabatid na alas-2:00 kamakalawa ng hapon ang naÂkaÂtakdang pagdinig sa DOJ ng suspect sa illegal recruitment na si Minda Elvira Maralit Jose, 50, negosyante, ng FairÂview Quezon City kaya ito inesÂkortan ni PO2 Carlito Borci, nakatalaga sa MPD IntegraÂted Jail sa UN Ave, Ermita, Maynila.
Dahil sa bigong paglutang sa hearing ng suspect sumugod ang mga complainant sa MPD District Police Intelligence Office Unit (DPIOU) na umabot pa hanggang alas- 10:00 ng gabi ay hindi pa bumabalik ang suspect at escort na si Borci. Hindi rin umano makontak sa cellphone si Borci.
Nabatid kahapon na si Borci ay nagreport na umano sa kaniyang opisyal hinggil sa diumano’y natakasan siya ng preso.
Inaasahang masasampahan ng kasong kriminal at administratibo ang nasabing pulis na posibleng mauwi sa pagkatanggal sa serbisyo. (Ludy Bermudo with trainee Pinky de Leon)