^

Metro

Illegal recruiter nakatakas sa escort na parak

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isasailalim sa masusing­ imbestigasyon ang isang mi­yembro ng Manila Police Dis­ trict na responsable sa pagtakas ng isang babaeng illegal recruiter kaya hindi na nakadalo sa preliminary investigation sa Department of Justice (DOJ)  sa Ermita, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Nabatid na alas-2:00 kamakalawa ng hapon ang na­ka­takdang pagdinig sa DOJ ng suspect sa illegal recruitment na si Minda Elvira Maralit­ Jose, 50, negosyante, ng  Fair­view Quezon City kaya ito ines­kortan ni PO2 Carlito Borci, nakatalaga sa MPD Integra­ted Jail sa UN Ave, Ermita, Maynila.

Dahil sa bigong paglutang sa hearing ng suspect  sumugod ang mga complainant sa MPD District Police Intelligence Office Unit (DPIOU) na umabot pa hanggang alas- 10:00 ng gabi ay hindi pa bumabalik ang suspect at escort na si Borci. Hindi rin umano makontak sa cellphone si Borci.

Nabatid kahapon na si Borci ay nagreport na umano sa kaniyang opisyal hinggil sa diumano’y natakasan siya ng preso.

Inaasahang masasampahan ng kasong kriminal at administratibo ang nasabing pulis na posibleng mauwi sa pagkatanggal sa serbisyo. (Ludy Bermudo with trainee Pinky de Leon)

BORCI

CARLITO BORCI

DEPARTMENT OF JUSTICE

DISTRICT POLICE INTELLIGENCE OFFICE UNIT

ERMITA

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DIS

MAYNILA

MINDA ELVIRA MARALIT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with