MANILA, Philippines - Hiniling ng Fairview-Quiapo Baclaran Bus OpeÂrators Association (FAIRÂ QUIBBOA) kahapon sa Manila Regional Trial Court na magpalabas ng temporary restraining order kaugnay sa kontrobersyal na ipinatutupad na bus ban sa Maynila.
Sinabi ng FAIRQUIBBOA na ang Traffic ManageÂment Committee ResoÂlution no. 1 na nagbabawal sa mga provincial at city buses na bumiyahe sa Maynila habang ang Resolution 48 (series of 2013) na nagliÂlimita sa mga bus na bumiyahe kung walang terminal sa lungsod ay ‘unreasonable’, ‘improper exercise of police power’ at ‘unconsÂtitutional’.
Ibinase ng pamahalaan ng Maynila sa ilalim ni Mayor Joseph Estrada ang kanilang resolusyon sa pag-aaral na ginawa ng University of the PhiÂlippines National Center for Transportation Studies (UP NCTS) na ang napakaraming bilang ng mga bumibiyaheng bus ang pangunahing dahilan nang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa Maynila.
Subalit sinabi ng petitioners na may ginawang kaparehong pag-aaral ang NCTS noong Agosto 2012 at hindi nito binanggit na ang mga bus o jeepneys at maging pribadong sasakÂyan ang sanhi nang pagbuÂbuhol-buhol ng trapiko.
Sinabi rin ng petitioners na ang pag-aaral na ginawa ng Japan International CooÂperation Agency (JICA) at Department of TransporÂtation and Communication (DOTC) ay sinasabing ang ‘bad driving habits, inadeÂquate traffic enforcement at poorly coordinated proÂjects at hindi ang dami ng mga sasakyan ang sanhi ng trapiko.
Inihain nina FARQUIBBOA president Edgardo S. Meneses at Ma. Rose bus service operator Rizalino V. Eugenio ang paghiling ng TRO ilang araw matapos isaÂÂ batas ng Manila City Council ang kontrobersyal na kautusan laban sa pagbiyahe ng mga bus sa Maynila.