Kelot lasog sa tourist bus

MANILA, Philippines - Patay ang isang lalaki ma­ tapos mabundol ng isang tourist bus kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Inaalam pa ng Caloocan City Traffic Bureau ang pag­kakakilanlan sa biktima na idineklarang dead on arrival sa Manila Central University (MCU) Hospital.

Nasa kustodiya naman ng pulisya ang suspect na si Solomon Acuña Jr., driver ng Nissan Bus (TXK-258) na pag-aari ng Martin Tour Bus.

Naganap ang insidente dakong alas-6:00 ng gabi sa EDSA Avenue, Monu­mento, Caloocan City nang biglang tumawid ang biktima ay hindi nito namalayan ang paparating na bus na  minamaneho ni Acuña.

Huli na bago nakontrol ni Acuña ang manibela ng bus dahil nasalpok na nito ang biktima.

Matapos ang aksidente ay sumuko sa pulisya ang driver at ang biktima naman ay dinala sa naturang ospital, subalit hindi na nakarating ng buhay.

Show comments