^

Metro

2 karnaper, arestado

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nalambat ng mga awtoridad ang dalawa sa limang suspects na nangangarnap ng mga trak saka pipiraso-pirasuhin matapos na salakayin ang kanilang lungga sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Kinilala ni Quezon City Police District Chief Supt. Richard Albano ang mga suspect na sina Roderick Igna, 41, at Armur Dumandan, 21, mga residente sa Brgy. Payatas sa lungsod.

Ayon kay Albano, tatlo pang  kasamahan ng mga nadakip na kinilala namang  sina Ruel Cruz, Anthony Lizardo at isang hindi pa nakikilala ay pinaghahanap ng kanyang mga tauhan.

Ang mga suspect, aniya, ay nadakip sa walang humpay na follow up operation na ginawa ng Police Station 6 matapos ang ulat na pagtangay sa isang drum truck na pag-aari ng Expedition Construction Services noong August 16, 2013.

Tinangay ng mga suspect ang truck (WJN-563) habang nakaparada sa may Group 6, Samar St., Brgy. Payatas.

Dahil dito, walang humpay na inalam ng tropa ng PS6 ang pinaglulunggaan ng grupo hanggang sa makatanggap siya ng impormasyon na isang compound ang nagbebenta ng mga kinatay na parte ng sasakyan.

Agad na nagsagawa ng pagsalakay ang tropa kung saan isang pulis ang nagpanggap na buyer at nang makumpirma ay saka inaresto ang mga suspect, ganap na alas-10 ng umaga, habang nakatakas naman ang kasaman nito.

Nabatid pa na madalas na nagkakatay ng trak ang mga suspect sa naturang compound at agad na inaalok sa kanilang mga kostumer habang ang ibang parte naman ay dinala sa isang lugar sa Rizal.

Sa patuloy na follow-up operation ay narekober pa ng awtoridad ang isang pira-pirasong trak sa may Sitio Gulod, San Isidro, Rodriguez, Rizal.

Kasong carnapping at paglabag sa anti-fencing law ang isinampa ng awtoridad laban sa mga suspect.

 

ANTHONY LIZARDO

ARMUR DUMANDAN

BRGY

EXPEDITION CONSTRUCTION SERVICES

PAYATAS

POLICE STATION

QUEZON CITY POLICE DISTRICT CHIEF SUPT

RICHARD ALBANO

RIZAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with