MANILA, Philippines - Isa na namang salvage victim ang natagpuang itinapon sa isang tulay sa Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City kahapon ng madaling-araw.
Inilarawan ang biktima na nasa edad 20 hanggang 25-anyos, may taas na hanggang 5’6â€, katamtaman ang laki ng pangangatawan, nakasuot ng kulay itim na jacket at itim na pantalon, may tattoo na “KL†sa kanang kamay at may tama ng bala sa kanang tenga na tumagos sa kaliwang tenga nito.
May sinturon ding nakatali sa leeg ng biktima at tinakpan pa ng masking tape ang mga mata nito.
Batay sa inisyal na report ni PO3 Romeo Sayson, imbestigador ng Pasig City Police, nabatid na dakong alas-4:00 ng madaling araw nang matagpuan ang biktima kasama ng mga water lily sa ilog, sa ilalim mismo ng tulay ng C6, Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.
Naniniwala naman si P/Chief Insp. Oscar Boyles, hepe ng Criminal Investigation Unit (CIU) ng Pasig City Police, na biktima ng salvage ang biktima dahil sa mga tinamong sugat at paraan ng pagpatay dito.