MANILA, Philippines - Patay ang isang lalaki at nasa kritikal na kondisyon ang kaibigan nito matapos pagsasaksakin at pagbabarilin ng grupo ng mga kalaÂlakihan na miyembro ng isang gang sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.
Namatay habang ginagamot sa Manila Central University (MCU) Hospital sanhi ng mga saksak at tama ng bala sa katawan si Jay-B Arcenas, 21; at habang inoÂobserbahan naman ang kaibigan nitong si Angelo Mendoza, 23, kalugar ng nasawi.
Pinaghahanap naman ng pulisya si Gheric Buensing, 19, ng Malvar St., at dalawang hindi pa kilalang mga kasama nito na pawang mga miyembro ng Sawako Gang.
Base sa ulat ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-11:00 ng gabi sa Patani Alley, Bagong Barrio ng naturang lungsod habang naglalakad ang mga biktima sa naturang lugar nang salubungin at barilin ng mga suspect si Arcenas.
Tinangkang tulungan ni Mendoza ang kaibigan, subalit maging siya ay piÂnagÂsasaksak ng mga suspect.
Kahit sugatan ay nagawang makatakbo ni Mendoza, subalit binaril sa hita ni Buensing bago nagsitakas ang mga suspect habang dinala naman ang mga biktima sa naturang ospital, ngunit binawian ng buhay si Arcenas. Inaalam na ng mga pulis ang motibo sa nasabing insidente.