MANILA, Philippines - Nakatakdang ipatupad ang one-way traffic scheme sa anim na distrito ng Quezon City.
Ayon kay QC Mayor Herbert Bautista, nakapaloob ang iba’t ibang traffic re-routing at traffic code amendments na bahagi ng pagbabago sa daloy ng trapiko.
“Having a smooth traffic in QC will attract more tourists and investments,†pahayag ni Bautista.
“Ang anumang resulta sa pag-aaral sa trapiko ay ibibigay nila sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang maging basehan ng pagre-renew ng mga prangkisa ng mga pampasaherong sasakyan tulad ng jeepney, taxi, at mga bus,†pahayag pa ng opisyal.
Kaugnay nito, hinikayat ni Bautista ang mga driver ng mga pampasaherong sasakyan partikular na ang traysikel na mag-enroll sa vocational courses sa TESDA at mga livelihood seminars sa QC Sikap Buhay para sa mga alternative livelihood kung sakaling tamaan ng ipapatupad na pagbabago sa traffic sa QC.
Kasama rin sa pag-aaral ng lokal na pamahalaan ang paglilimita sa bilang ng mga traysikel sa bawa’t lansangan depende sa pangangailaÂngan sa sasakyan sa bawa’t distrito.