^

Metro

One-way traffic scheme sa QC

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakatakdang ipatupad ang one-way traffic scheme sa anim na distrito ng Quezon City.

Ayon kay QC Mayor Herbert Bautista, nakapaloob ang iba’t ibang traffic re-routing at traffic code amendments na bahagi ng pagbabago sa daloy ng trapiko.

“Having a smooth traffic in QC will attract more tourists and investments,” pahayag ni Bautista.

 â€œAng anumang resulta sa pag-aaral sa trapiko ay ibibigay  nila sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)  upang maging basehan ng pagre-renew ng mga prangkisa ng mga pampasaherong sasakyan tulad ng jeepney, taxi, at mga bus,” pahayag pa ng opisyal.

Kaugnay nito, hinikayat ni Bautista ang mga driver ng mga pampasaherong sasakyan partikular na ang traysikel na  mag-enroll sa vocational courses sa TESDA at mga livelihood seminars sa  QC Sikap Buhay para sa mga alternative livelihood kung sakaling tamaan  ng ipapatupad na pagbabago sa traffic sa QC.

Kasama rin sa pag-aaral ng lokal na pamahalaan ang paglilimita  sa bilang ng mga traysikel sa bawa’t lansangan depende sa pangangaila­ngan sa sasakyan sa bawa’t distrito.

 

vuukle comment

AYON

BAUTISTA

KASAMA

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

MAYOR HERBERT BAUTISTA

QUEZON CITY

SIKAP BUHAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with