German national idedeport
MANILA, Philippines - Nakatakdang ipa-deport ng Bureau of Immigration ang isang German National na wanted sa mga otoridad sa Berlin dahil sa swindling o pang-gagantso ng daan-daang euro sa marami niyang kababayan gamit ang fraudulent investment scheme.
Kinilala ni Immigration Officer-in-Charge Siegfred Mison ang pugante na si Joachim Leipski, 56, na naaresto sa Dauin, Negros Oriental Agosto 7 ng mga operatiba ng fugitive search unit ng BI.
Ipinag-utos ni Mison ang pag-aresto sa suspek alinsunod sa deportation order na inisyu ng BI board of Commissioners nuong Hunyo a-bente otso dahil sa pagiging undesirable at undocumented alien.
Pinawalang-bisa na rin aniya ang pasaporte ni Leipski noong Hulyo makaraang magpalabas ng arrest warrants ang korte sa Berlin kung saan siya nakasuhan ng multiple counts of fraud.
- Latest