^

Metro

Binata lumaklak ng silver cleaner

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 23-taong gulang na binata ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pag-inom ng silver cleaner matapos siyang mabigo na masungkit ang matamis na ‘oo’ ng kanyang nililigawang dalaga sa Mandaluyong City, kahapon ng umaga.

Dead-on-arrival si Jestoni Santos, delivery boy at stay-in sa #552 Fabella St., Bagong Silang, sa lungsod.

Nabatid na dakong alas-8:45 ng umaga nang madiskubre ng kanyang kasamahan sa trabaho ang biktima na nakahandusay sa loob ng comfort room ng tinitirahang barracks  na bumubula ang bibig, katabi ang isang bote ng silver cleaner.

Sinabi ni Jovan Fanisan, 23, bago nangyari ang insidente ay nilapitan pa umano siya ng biktima at nagsabing magpapakamatay.

Isa pang kasamahan sa trabaho ang nagsabing nakita niyang umiiyak ang biktima at nang tanungin umano niya ito ay sinabing binasted siya ng kanyang nililigawang dalaga.  Sinabi naman ni PO2 Danilo Patoc, imbestigador sa kaso na patuloy parin niyang sisiyasatin ang insidente upang mabatid kung may foul play sa pagpapakamatay ng biktima.

 

vuukle comment

BAGONG SILANG

DANILO PATOC

FABELLA ST.

ISA

ISANG

JESTONI SANTOS

JOVAN FANISAN

MANDALUYONG CITY

NABATID

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with