2,630 indibiduwal tumanggap ng relief goods

MANILA, Philippines - Tinatayang umaabot sa may 2,630 indibiduwal  ang nabigyan ng  tulong  sa pa­ngu­nguna ni Manila Mayor Joseph Estrada  sa Tondo Sports Complex.

Hindi magkamayaw ang mga tao nang dumating si Estrada kasama ang ilang mga tauhan ng  Manila Social Welfare Development sa pamumuno ni  Honey Lacuna-Pangan.

Ayon kay Estrada, hindi magsasawa ang  city govern­ment na tumulong sa mga Manilenyong nanganga­ilangan. Aniya, pinabeberipika rin niya sa MSWD  ang  bilang ng mga pamilyang aayuda­han ng  puhunan upang ma­kapagsimula ng maliit na negosyo.

Samantala, sinabi naman ni Manila Vice Mayor Isko Moreno na nakabalik na sa kanilang bahay ang mga   pamilyang naapektuhan ni ‘Maring’.

Sinabi ni Moreno na mahigit 17,000 indibiduwal ang inayudahan ng pagkain, ga­mot at mga pangunahing kagamitan na panlaban sa lamig at matinding pagbaha na nasa evacuation center noon.

Bunsod nito, sinabi ni  Mo­reno na kailangan na ma­pa­litan ang  pump ng Lagusnilad upang maiwasan  na mapuno ito ng tubig. Aniya, 1970 pa ang  pump kung kaya’t  hindi imposible na bu­magal ang  operasyon nito dala ng ka­lumaan.

 

Show comments