Trak ng relief goods, exempted sa truck ban - MMDA

MANILA, Philippines - Binigyan kahapon ng Metro­politan Manila Deve­lopment Authority (MMDA) ng “exemption” ang mga trak na may kargang mga “relief goods” sa “truck ban” at “number coding scheme” upang hindi maantala ang pag­hahatid nito sa mga biktima ng kalamidad.

Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na ito ay upang makatulong sa “relief operations” ng pamahalaan at ng mga “non-government organizations (NGOs)”. 

Ito ay matapos rin  na hilingin rin ng Department of Trade and Industry (DTI) na pansamantala munang isuspinde ang truck ban upang mabilis na makapagdeliber ang mga delivery trucks ng pagkain sa mga pamilihan upang hindi magkaroon ng kakapusan sa supply.

Ngunit sa pagrebisa ni Tolentino sa truck ban, tanging mga trak na gamit lamang sa “relief operations” ang binig­yan ng exemption ng MMDA kahapon ng Biyernes.

Ipinatutupad ang “mo­dified truck ban” mula alas-6 hanggang alas-10 ng umaga at alas-5 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi bawat araw maliban tuwing Linggo at holidays.

Hindi naman nagbigay ng pahayag si Tolentino kung ipatutupad­ pa rin ang exemption­ ngayong Sabado.

 

Show comments