^

Metro

MPD Best Police Station, Erap dumalo sa boodlefight

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinuri ni Manila Mayor Joseph Estrada ang pamu­nuan ng  Manila Police District (MPD) matapos nitong makuha ang  parangal bilang  Best Police Station ng National Capital Regional Police Office (NCRPO).

Sa pagdalo ni Estrada, isang boodlefight din ang   isinagawa sa MPD multi-purpose kasama ang mga opisyal at tauhan ng  MPD  kung saan nagbigay din ito ng  tseke na nagkakahalaga ng  P1 milyon.

Ayon kay Estrada, mas malaking hamon ito sa pamu­nuan ng MPD sa pangu­nguna ni  MPD Director, Chief Supt. Isagani Genabe dahil mas dapat nitong paigtingin ang kanilang kampanya laban sa iba’t ibang  krimen sa lungsod.

Ang parangal aniya ay isa ring indikasyon na nanunumbalik na ang pagiging ‘Manila’s Finest’ ng kapulisan mula sa ‘Manila’s Worst’.

Tiniyak din ng alkalde na walang magaganap na hos­tage-taking sa kanyang administrasyon dahil mahigpit ang kanyang kautusan  upang hindi ma-low morale ang mga pulis.

Pinasisimulan na rin  ni Estrada ang pagbibigay ng  P2,500 na monthly allowance ng mga pulis na mangga­galing sa kanyang personal funds.

AYON

BEST POLICE STATION

CHIEF SUPT

ISAGANI GENABE

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MANILA POLICE DISTRICT

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

PINASISIMULAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with