MANILA, Philippines - Inalerto na ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang limang police districts partikular ang Civil Disturbance Management units (CDM) ng Manila Police District upang bumuo ng plano para sa pananatili ng seguridad sa gaganaping malakihang protesta ng iba’t ibang grupo kontra sa pork barrel sa Luneta sa Maynila ngayong darating na Lunes.
Nais ni NCRPO director, Chief Supt. Marcelo Garbo, Jr. na mapanatili ang kapayapaan sa kilos-protesta lalo na’t sasama dito ang iba’t ibang milintanteng grupo na nasa ilalim ng Bagong AlyanÂsang Makabayan.
May ulat na bukod sa Luneta, lilihis ang mga militante at magsasagawa ng kilos-protesta sa Mendiola tungo sa Palasyo ng Malacañang.
Nagsimula ang rally na pinangalanang “A Million People’s March to Luneta†sa isang simpleng post sa social networking site na Facebook ng isang netizen at unti-unting kumalat kung saan sumali ang iba’t ibang “civil society groups†tulad ng the Transparency and AccountÂability Network (TAN), mga bumubuo ng Change.org, Bishops-Businessmen’s Conference for Human Development, Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, Citizens’ Congress for Good Governance, at ang Makati Business Club.
Sinabi ni Vincent Lazatin ng TAN, na hindi naman kilos-protesta ang okasyon ngunit isang hakbang ng mga ordinaryong mamamayan upang ipakita ang pagkakaisa laban sa “pork barrelâ€. Hindi umano suspensyon ng pork barrel ang nais ng taumbayan ngunit ang tuluyang pagbasura dito ng pamahalaang Aquino.
Samantala, hindi naman pagbabawalan ng NCRPO ang kanilang mga pulis na nais dumalo sa okasyon na itinaon sa “National Heroes Day†ngunit kinakailangan na “off-duty†sila at hindi naka-uniporme.
Kasabay ng paggunita sa Araw ng mga Bayani, tiniyak ng Manila Police District (MPD) na nakafull alert status sila mula ngayon hanggang sa Lunes kaugnay ng planong pagsasagawa ng malawakang protesta ng iba’t ibang sektor sa layuÂning ibaÂsura ang Priority DeveÂlopment Assistance Fund (PDAF) ng mga mambaÂbatas.


Ayon kay Manila Police District-Deputy District Director for Operation Sr. Supt. Joel Coronel, nakahanda na ang kanilang mga personnel sa magaganap na rally na tinawag na “A Million People’s March to Lunetaâ€.
Ani Coronel, ipatutupad nila ang maximum tolerance sa mga raliyista na lalahok sa pagbabasura sa pork barrel at nais na habulin at papanagutin ang mga sangkot sa isyu.


Tumanggi namang magkomento si Manila Mayor Joseph Estrada hinggil sa isyu ng pork barrel. Aniya, national issue ito at mas nais niyang tutukan pa niya ang problema ng Maynila.
Tatagal lamang ang pagÂtitipon ng alas-9:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.