MANILA, Philippines - Hindi napigilan ng tumaÂmang kalamidad sa bansa ang pagtataas sa presyo ng petrolyo ng mga kompanya ng langis makaraang ipatupad ito kahapon ng umaga.
Nilinaw naman ng mga tagapagsalita ng Pilipinas Shell, Petron Corp., at Chevron Phils. na tanging sa Visayas at Mindanao lamang epektibo ng oil price hike at hindi sa Luzon kung saan malaking bahagi nito ay sinalanta ng pagbabaha at landslides dulot ng bagyong Maring at ng habagat.
Dakong alas-6 ng umaÂga nang pangunahan ng Big 3 oil companies ang pagÂtataas. Nasa P.40 kada litro ang itinaas sa premium at unleaded gasoline, P.45 kada litro sa diesel at P.25 kada litro ng kerosene.
Muling ikinatwiran nina Petron Communications StraÂtegic Manager Raffy Ledesma at Ina Soriano ng Pilipinas Shell na ang panibagong pagtataas sa halaga ng petrolyo ay sanhi ng panibagong paggalaw ng halaga ng langis sa pandaigdigang pamilihan. Nakaapekto umano dito ang nagaganap na kaguluhan sa Ehipto, pagka-antala ng supply sa Libya at pagtaas ng pangangailangan nito sa Tsina.
Wala namang abiso pa ang mga independent players ngunit inaasahan na susunod ang mga ito sa galaw ng Big 3.
Sa kabila naman ng pagÂkaantala ng price increase sa Luzon, inaasahan naman na agad na ipatutupad ito ng mga kompanya ng langis sa oras na tuluyang bumuti na ang panahon at matanggal ang “state of calamity†sa mga apektadong lugar.