MANILA, Philippines - Hindi nakalusot sa ginawang krimen ang isang karnaper makaraang maaresto ito ng pulisya matapos na mabuko ang ginawang pagÂÂtangay sa isang motorsiklo nang makunan siya ng closed circuit television caÂmera (CCTV), kamaÂkalawa ng umaga sa Pasay City.
Nadakip sa isinagawang operasyon ang suspek na nakilalang si Marvin Reyes, 20, ng Decena St., ng natuÂrang lungsod.
Narekober naman ang tinangay nilang Suzuki Raider J motorcycle na pag-aari ng security guard na si Mark Cesar Parohinog, 29, residente rin ng naturang lungsod.
Sa ulat, dakong alas-6:12 ng umaga nang ipaÂrada ng biktima ang kanyang motorsiklo sa tapat ng kanilang bahay at nang balikan niya ito makaraan ang halos kalahating oras ay nawawala na ito.
Agad nagtungo sa baÂrangay hall ang biktima upang iulat ang nasabing inÂsidente. Nang tignan ang kuha ng CCTV na nakakabit sa mga kalsada sa baÂrangay, dito naispatan ang motorsiklo ng biktima na minamaneho ni Reyes.
Dito na nakipag-ugnaÂyan ang barangay sa puÂlisya at magkatulong na pinuntahan ang suspek sa bahay nito sanhi ng kanyang pagkakaaresto. Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong carnapping.