MANILA, Philippines - Umaabot sa may 7,800 pamilya na naapektuhan ng matinding pagbaha ang patuloy na inaayudahan ng pamahalaang lungsod ng Quezon sa may 78 evacuation centers.
Hanggang ala- 1 ng hapon, sa isang panayam, sinabi ni Noel Lansang, deputy chief ng Department of Public Order and Safety (DPOS), na batay sa ginawa nilang pag-iikot sa mga binahang lugar partikular ang barangay Bagong SiÂlangan, Roxas District,Tatalon, Damayang Lagi kasama ang rescue teams ng lokal na pamahalaan, hindi pa maÂaaring balikan ng mga residente ang kanilang mga tahanan doon.
Bunsod nito, sinabi ni Lansang na agad na pinaalalahanan nila ang mga opisyal ng mga barangay na huwag munang pabalikin sa kani-kanilang mga bahay ang mga pamilyang nasa mga evacuation centers dahil sa mataas pa rin anya ang tubig sa San Juan River, Dario River at Tullahan River.
Patuloy din anyang nasa alert level ang La Mesa dam bunga ng patuloy na pag-apaw ng tubig dito.
Iniulat din nito na sapat naman ang suplay na pagkain at mga gamot na naipamaÂmahagi para sa mga pamilyang nasa evacuation centers.