MANILA, Philippines - Plano ng pamahalaang lungsod ng Maynila na gaÂwing tourist spot ang night market na ngayon ay isinasakaÂtuparan sa pamumuno nina Manila Mayor Joseph Estrada at Vice Mayor Isko Moreno. Ayon kay Moreno, sasailalim sa limang araw na expeÂrimental ang night market upang malaman ang dapat na gawing mga sistema upang mapagbigyang makapagÂtinda ang mga residente ng Maynila.
Aniya, nais ni Estrada na gawing tourist spot ang night market sa Divisoria tulad sa Bangkok kung saan mas lalaki ang kikitain ng mga vendor. Aayusin din ang hanay ng mga vendor kung saan may wet and dry section gayundin ang mga kainan. Tiniyak din ni Moreno ang seguridad at maayos na daloy ng mga mamimili. KailaÂngan aniyang pairalin ang disiplina para sa ikauunlad ng Maynila.