MANILA, Philippines - Sinimulan na ng pamahalaang lungsod ng Pasay na i-reÂlocate ang ilang pamilyang iskuwater sa relocation site sa Cavite upang bigyang daan ang proyektong pagtatayo ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Expressway Phase 2 Project.
Sa pahayag ng pamahalaang lungsod ng Pasay, nasa 21 pamilya ang unang inilipat kahapon sa inihandang relocation site sa Brgy. Agudao, Trece Martires City sa Cavite.
Kabilang umano ang mga pamilya sa mga naninirahan sa Brgy. 191 habang nasa 23 pamilya ang isusunod nilang ilipat sa darating na Agosto 29 na kabilang sa 83 pamilya na tatamaan ng proyekto ng pamahalaan. Nilinaw ng pamahalaang lungsod na hindi kabilang ang mga ito sa mga naninirahan sa mga danger zones dahil sa may hiwalay na programa para sa mga ito.
Ang mababakanteng lupa ng mga informal settlers ay magbibigay-daan sa konsÂtruksyon sa Expressway Phase 2 na daraan sa mga lungsod ng Pasay at PaÂraÂñaque at isa sa “priority proÂject†ng pamahalang Aquino sa ilalim ng “Public-Private Partnershipâ€.
Binigyan ng tig-P5,000 ang bawat pamilya habang hindi muna pagbabayarin ng hulog nila sa bahay sa unang taon nilang paninirahan upang maÂging maayos ang pag-uumpisa umano ng mga ito.
Nakatakda namang isagawa ang programa para sa relokasyon sa susunod na buwan sa mga pamilyang naninirahan sa gilid ng Maricaban Creek at Tripa de Galina na sinalanta ng sunog kamakailan.