^

Metro

Illegal settlers sa Pasay, ini-relocate

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinimulan na ng pamahalaang lungsod ng Pasay na i-re­locate ang ilang pamilyang iskuwater sa relocation site sa Cavite upang bigyang daan ang proyektong pagtatayo ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Expressway Phase 2 Project.

Sa pahayag ng pamahalaang lungsod ng Pasay, nasa 21 pamilya ang unang inilipat kahapon sa inihandang relocation site sa Brgy. Agudao, Trece Martires City sa Cavite. 

Kabilang umano ang mga pamilya sa mga naninirahan sa Brgy. 191 habang nasa 23 pamilya ang isusunod nilang ilipat sa darating na Agosto 29 na kabilang sa 83 pamilya na tatamaan ng proyekto ng pamahalaan. Nilinaw ng pamahalaang lungsod na hindi kabilang ang mga ito sa mga naninirahan sa mga danger zones dahil sa may hiwalay na programa para sa mga ito.

Ang mababakanteng lupa ng mga informal settlers­ ay magbibigay-daan sa kons­truksyon sa Expressway Phase 2 na daraan sa mga lungsod ng Pasay at Pa­ra­ñaque at isa sa “priority pro­ject” ng pamahalang Aquino sa ilalim ng “Public-Private Partnership”.

Binigyan ng tig-P5,000 ang bawat pamilya habang hindi muna pagbabayarin ng hulog nila sa bahay sa unang taon nilang paninirahan upang ma­ging maayos ang pag-uumpisa umano ng mga ito.   

Nakatakda namang isagawa ang programa para sa relokasyon sa susunod na buwan sa mga pamilyang naninirahan sa gilid ng Maricaban Creek at Tripa de Galina na sinalanta ng sunog kamakailan.

BRGY

CAVITE

EXPRESSWAY PHASE

MARICABAN CREEK

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PASAY

PUBLIC-PRIVATE PARTNERSHIP

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with