MANILA, Philippines - Isang close van ang nagliyab sa may kahabaan ng Edsa sa kanto ng NIA road sa lungsod Quezon na naglalaman umano ng mga panindang diaper kahapon ng madaling-araw.
Ayon kay Senior Fire Officer 3 Mauricio Jose ng QC Fire Department, posibleng electrical wiring ang ugat sa pagliliyab ng naturang sasakyan.
Sinabi ng driver ng van na nakilalang isang Glen dela Cruz na sa gitna pa lamang anya ng Kamuning flyover ay naramdaman na niyang hindi gumagana ang preno ng minamaneho niyang Izusu Elf (REP 850) at nang itabi niya ito sa may Edsa sa kanto ng NIA road ay basta na lamang sumiklab ang apoy sa sasakyan.
Wala namang napaulat na nasugatan sa insidente.