MANILA, Philippines - Patay ang isang lalaki matapos itong tumungga ng lason dahil sa hindi nito makayanang sakit na-stroke kamakalawa ng gabi sa Malabon City.
Dead-on-arrival sa Tondo Medical Center si FerÂnando Pamatian, 48, ng Camus St., Ibaba ng naturang lungsodÂ.
Sa ulat ng Malabon City Police, dakong alas-6:00 ng gabi, nakita na lang ng kanyang mga kaanak ang biktima na bumubula ang bibig at namimilipit na naÂging dahilan upang dalhin ito sa naturang pagamutan.
Nakita rin ang isang baso, na pinaniniwalaang may lamang lason sa tabi ng biktima na sinasabing tinungga nito.
Nabatid na parating nagÂrereklamo sa kanyang buhay ang biktima at nawawalan na ito ng pag-asang gumaling matapos ma-stroke.
Sa kabila nito ay iniimbestigahan pa rin ng pulisya kung lason nga ang laman ng basong nilagok ni Pamatian na naging sanhi ng kamatayan nito.