Obrero naghamon ng away tinodas

MANILA, Philippines - Napaslang ang isang obrero makaraang pagbabarilin ng hindi nakikilalang salarin matapos maghamon ng away ang una sa kanilang lugar sa Brgy. Payatas,Quezon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Vincent Deang, 30, ng Bulacan St., Brgy. Payatas B, Quezon City  na nasawi noon din dahil sa tinamong maraming tama ng bala sa kanyang katawan.

Ayon kay SPO1 Alejandro Camacho ng Quezon City Police District Station 6 ng Batasan, naganap ang insidente sa Alley Group 3,Leyte St., Brgy. Payatas-B,  dakong alas-11:45 ng gabi kamakalawa.

Sinabi ni Camacho na naghamon umano ng away sa kanilang lugar ang biktima habang armado ng isang jungle bolo.

Makalipas ang ilang minuto nakarinig na ng sunud-sunod na putok ng baril ang mga kapitbahay ng biktima dahilan para tumawag ang mga ito sa barangay at pulis.

Dito na natagpuan ang walang buhay na biktima at may tama ng mga bala ng baril sa katawan.

 

Show comments