MANILA, Philippines - Magkakaroon na ng breast milk bank sa Quezon City General Hospital (QCGH) para mapaglaanan ng gatas ng ina ang mga sanggol na mababa ang timbang at malnourished.
Ito ang sinabi ni QC Vice Mayor Joy Belmonte kaÂugnay ng pambansang pagdiriwang ng ‘BreastÂfeeding Month’ ngayong Agosto.
Ayon kay Belmonte , ang pagbubukas ng isang breast milk bank ng QCGH ay bilang pagsuporta sa QC Human Milk Bank Ordinance na isinulong ni QC district 5 Councilor Aly Medalla.
Itinatadhana ng ordinansa na ang probisyon nito ukol sa breast milk bank ay ipatutupad sa mga ospital ng pamahalaan ng QC na may pedia care. Ang ganitong mga milk bank ay kokolekta, susuri, magpoproseso, magpipreserba at mamahagi ng donated human milk sa mga sanggol na hindi masustinihan ng gatas ng kanilang ina.
Ang proyektong ito ay magiging kauna-unahan na isasagawa ng lungsod Quezon.
“Maisasagawa na ang proyektong ito sa tulong ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa pamumuno ni Ms. Margarita Juico,†dagdag ni Belmonte.
Sinabi ni Belmonte na ang PCSO ay nagkaloob sa QCGH ng mga kagamitang tulad ng pasteurizer, refrigerator at freezer para sa proyekto.
Sinasabing libreng ipamimigay ang breast milk, ang babayaran lamang ay ang screening process at administrative cost ng QCGH.
Gayunman, sinabi ni Belmonte na hindi naman ipagkakait ng ospital ang ganitong serbisyo kung hindi kayang magbayad ng isang ina.