^

Metro

13 holdaper timbog

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ng pulisya ang 13 kalalakihan na pawang miyembro ng isang kilabot na robbery-hold-up group   sa magkasunod na operasyon na isinagawa kamakalawa ng hapon sa Malabon at Caloocan City.

Kinilala ang mga nadakip na suspect  na sina Michael Sadjo; Dante Sabijon,  43; Darel Sabijon, 18; Jaypee Agualdo, 28; Jeperson Velarde at Michael Agustin, pawang mga taga-Ba­rangay Potrero ng  naturang lungsod.

Matapos madakip ang mga ito ay kanilang inginuso ang kanilang ibang mga kasamahan na sina Nestor Matchuca, 27; Randy Pomida, 27; Alex Villa, 33;  Allan Yumol, 35; Gerald Doctor, 23; Jimbo Malit, 33; at si Joselito Pagulayan Jr., 32, at nadakip nga ang mga ito sa kanilang hide-out sa   Morning Breeze, Caloocan City.

Base sa report na ipina­dala ni Sr. Supt. Ferdinand Ampil, hepe ng Malabon City Police  kay Chief Supt. Joel Ma. T. Alvarez,  director ng Northern Police District (NPD), dakong alas-4:15 ng hapon ay nagsagawa sila ng operasyon sa Mangosan Road, Brgy. Potrero, Malabon City dahilan upang madakip ang grupo  ni Sadjo.

Matapos dalhin ang mga suspect  sa presinto ay agad naman nilang inginuso ang hideout ng kasamahan nila sa Caloocan City na nag­resulta nang pagkakadakip ng mga ito.

Narekober ng mga awto­ridad sa unang grupo ng mga holdaper ang isang ka­libre 9mm Taurus  na may dalawang magazine at 24 pirasong bala, isang improvise gun (sumpak) na may isang bala ng 12 gauge ammunition, itak na may habang 18 pulgada, at mga patalim.

Nakumpiska naman sa ikalawang grupo ang dalawang kalibre .45 na may 18 bala, dalawang sumpak na may 2 pirasong 12 gauge ammunition at isang kalibre .38 na may 6 na live ammunition.

 

ALEX VILLA

ALLAN YUMOL

CALOOCAN CITY

CHIEF SUPT

DANTE SABIJON

DAREL SABIJON

FERDINAND AMPIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with