Avenue sa Quezon City, ipapangalan kay Ka Erdy

MANILA, Philippines - Upang bigyang pagkilala ang naiambag na tulong ng Iglesia ni Cristo (INC) sa  human relations at community development  hindi lamang sa lungsod kundi sa buong bansa nais ni Quezon City  3rd district  councilor Allan  Benedict Reyes na palitan ang pa­ngalan ng isang kalsada sa lungsod at ipangalan ito sa namayapang dating Executive Minister ng INC na si Eraño G. Manalo. 

Sa ilalim ng ordinansa ni Reyes, ang Central Ave­nue sa Barangay Tandang Sora na kinatatayuan ng Central Temple ng INC ay nais palitan ng  Eraño G. Manalo Avenue bilang pagpupugay sa namayapang si dating INC Executive Minister na na­nga­siwa sa naturang religious or­ga­nization mula 1963 hanggang  2009.

“Brother Eraño G. Manalo played a significant role in the development of Chris­tianity and for propagating the teaching of universal love and brotherhood through spiritual renewal and words of God in the country,” nakasaad sa panukalang resolusyon.

Ikinokonsidera ng QC go­vernment ang INC bilang isang indispensable partner sa pagpapaunlad ng komunidad para sa pagpo-promote ng kapatiran sa bawat mamamayan at mapalakas ang  moral fiber  sa bansa.

“Renaming Central Ave­nue aside from his able leader­ship is also in recognition for the influence he cast on INC members who are generally respectable members of the society,’’ dagdag ni Reyes.

 

Show comments