Avenue sa Quezon City, ipapangalan kay Ka Erdy
MANILA, Philippines - Upang bigyang pagkilala ang naiambag na tulong ng Iglesia ni Cristo (INC) sa human relations at community development hindi lamang sa lungsod kundi sa buong bansa nais ni Quezon City 3rd district councilor Allan Benedict Reyes na palitan ang paÂngalan ng isang kalsada sa lungsod at ipangalan ito sa namayapang dating Executive Minister ng INC na si Eraño G. Manalo.
Sa ilalim ng ordinansa ni Reyes, ang Central AveÂnue sa Barangay Tandang Sora na kinatatayuan ng Central Temple ng INC ay nais palitan ng Eraño G. Manalo Avenue bilang pagpupugay sa namayapang si dating INC Executive Minister na naÂngaÂsiwa sa naturang religious orÂgaÂnization mula 1963 hanggang 2009.
“Brother Eraño G. Manalo played a significant role in the development of ChrisÂtianity and for propagating the teaching of universal love and brotherhood through spiritual renewal and words of God in the country,†nakasaad sa panukalang resolusyon.
Ikinokonsidera ng QC goÂvernment ang INC bilang isang indispensable partner sa pagpapaunlad ng komunidad para sa pagpo-promote ng kapatiran sa bawat mamamayan at mapalakas ang moral fiber sa bansa.
“Renaming Central AveÂnue aside from his able leaderÂship is also in recognition for the influence he cast on INC members who are generally respectable members of the society,’’ dagdag ni Reyes.
- Latest