Re-blocking ng DPWH sa Edsa, tuloy-tuloy pa

MANILA, Philippines - Muling inaasahan ang masikip na daloy ng trapiko par­ti­kular sa kahabaan ng Edsa kaugnay sa road re-blocking ng Department of Public Works and Highway ngayong weekend.

Kaugnay nito mahigpit na   babantayan ng mga tauhan ng  MMDA  ang mga kontrakor ng  DPWH upang matiyak na hindi lalagpas ang mga ito sa ibinigay sa kanilang permits.

Sa paalala ng MMDA sa mga motorista, magsasagawa ng pagkukumpuni mula Agosto­ 8-12 sa mga sumusunod na kalsada: Sa Quezon City, EDSA mula Kaingin footbridge-Oliveros St., (northbound, 3rd lane); Edsa mula Culiat Bridge 1-Roosevelt Ave. (SouthBound,3rd lane); Araneta Ave.-Palanza St.-Landargun St. (North Bound).

Sa Caloocan, Edsa-Mo­nu­mento Circle (South Bound, lane 2, 4); Edsa mula Jollibee-MCU Hospital (North Bound, lane 3). Sa Makati City, Edsa Kalayaan - Fort Bonifacio Fly­­­over (East Bound-West Bound).

Inaasahang matatapos ang paglalapat ng bagong kal­sada mula alas-10 ng Huwebes ng gabi hanggang alas-5 ng Lunes ng madaling araw. Pinayuhan nito ang mga motorista na umiwas sa natu­rang mga lugar.

Sinabi ni MMDA assistant general manager for operations Emerson Carlos, magdadagdag sila ng tauhan sa mga pangunahing lansangan upang matiyak na walang kon­traktor ang magsasagawa ng operasyon ng lagpas o walang hawak na permit buhat sa MMDA.

 

Show comments