^

Metro

DOJ prosecutor timbog sa ‘kotong’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang piskal ng Department of Justice (DOJ) ang dinakip ng mga tauhan ng  National Bureau of Inves­ti­­gation (NBI) sa isinagawang entrapment operation sa Quezon City matapos na isumbong nang pangingikil ng mga miyembro ng Phi­lippine Airlines Employees Association (PALEA).

Ayon kay Department of Justice Prosecutor General Claro Arellano, ang pag-aresto kay Assistant State Pro­se­cutor Diosdado Solidum Jr. ay awtorisado ng DOJ makaraang ireklamo ng PALEA  kaugnay ng diumano’y paghingi nito ng malaking halaga ka­­palit ng pagbasura sa kanilang kaso.

Nakabinbin sa DOJ ang inihaing petition for review ng mahigit 200 PALEA members na nauna nang inirekomendang masampahan ng kasong paglabag sa Civil Aviation Autho­rity Act of 2008 ng Pasay City Prosecutors Office.

Ang mga PALEA members na nagpoprotesta sa pagka­ka­tanggal nila sa trabaho ay nahaharap sa reklamong pag­labag sa section 81 ng nasabing batas na nagbabawal sa sinuman sa pagwasak o pagdulot ng pinsala sa alinmang pasilidad o serbisyo ng paliparan.

Sinabi pa ni Arellano na nakatakdang sumalang si Solidum sa inquest proceedings sa Ombudsman.

Sa isang mensahe sa text, sinabi naman ni Justice Secretary Leila de Lima na hindi siya titigil sa kampanya kontra sa mga scalawag sa hanay ng DOJ lalo’t prayoridad niya ang zero corruption sa kagawaran.

“I authorized that entrapment. I’ve said it before and will say it again that I don’t mind undertaking such entrapment operations against our own people and suffering the consequent embarrassment for the institution, if only to send a clear and strong signal that corruption has no place in DOJ,” ani  De Lima.

AIRLINES EMPLOYEES ASSOCIATION

ASSISTANT STATE PRO

CIVIL AVIATION AUTHO

DE LIMA

DEPARTMENT OF JUSTICE

DEPARTMENT OF JUSTICE PROSECUTOR GENERAL CLARO ARELLANO

DIOSDADO SOLIDUM JR.

JUSTICE SECRETARY LEILA

NATIONAL BUREAU OF INVES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with