MANILA, Philippines - Tila hindi na nakayanan pa ng isang driver ang kanyang problema sa kanyang misis at girlfriend kung kaya’t minaÂbuti na lamang nitong magÂpatiwakal sa pamaÂmagitan ng pagbibigti, kahapon ng maÂdaling-araw sa Tondo,Maynila.
Dead-on-arrival sa Tondo MeÂdical Center si Hector Garcia, 37, PUJ driver at naÂkaÂtira sa Capulong St., Tondo, Maynila.
Ayon kay Senior Inspector Steve Casimiro, hepe ng MPD-Homicide Section, naganap ang pagpapatiwakal ng biktima dakong alas-2:35 ng madaling-araw sa Velasquez St., Tondo, Maynila.
Bago ito, nakita ng ilang saksi na nag-aaway ang bikÂtima at girlfriend nito sa may Velasquez St. kung saan pansamantalang tumira umano ang biktima at gf nito na hindi nakuha ang paÂngalan.
Makalipas ang ilang minuto ay nagulat na lamang ang mga saksi nang humingi ng tulong ang babae kung saan nakita naman si Garcia na nakabigti.
Agad namang dinala sa ospital ang biktima subalit hindi na rin naisalba pa ng mga doktor.
Sa pahayag ni Casimiro, sobrang depresyon ang nakikitang dahilan sa pagpapakamatay ng biktima dahil problemado umano ito sa kanyang misis at kasaluÂkuyang kasintahan.
Ayaw naman umanong magbigay ng pahayag ng misis at girlfriend ng biktima.