MANILA, Philippines - Nangako kahapon si Taguig City Mayor Lani Cayetano na iaapela ang naging desisyon ng Court of Appeals na nagbibigay ng hurisdiksyon sa lungsod ng Makati sa pinag-aagawang Bonifacio Global City.
Sa matapang na pahayag ni Cayetano, sinabi nito na “erroneous†o mali umano ang naging desisyon ng appellate court na nagdedeklara na ang Makati City ang nakakasakop sa malaking bahagi ng Fort Bonifacio kabilang ang BGC na sentro ngayon ng pag-unlad sa lugar.
Sa inilabas na desisyon ng CA 6th Division, binaligtad nito ang July 2011 na desisyon ng Pasig City Regional Trial Court na nagbabasura naman sa Presidential Proclamation Nos. 2475 at 518 na orihinal na nalalagay sa hurisdiksyon ng Makati City ang 729.15 ektaryang lupain ng Fort Bonifacio.
Samantala, sinabi naman kahapon ni Makati Mayor Junjun Binay na ipaparamdam nila ang presensya nila sa BGC matapos ang desisyon ng CA.
Kasalukuyang pinaplano ngayon ng pamahalaang lungsod ang “transition period†para sa pagsasalin ng pamamahala sa BGC sa pamahalaang lungsod ng Makati.
Kahapon, pinulong na ni Binay ang kanyang mga opisyal para pagplanuhan ang gagawin sa transition period. Pinulong na rin nito ang Bases Conversion and Development Authority (BCDA) upang pag-usapan ang pamamahala nila sa BGC.
Kabilang din sa mga ipatutupad ang kanilang mga ordinansa sa “number codingÂ, anti-smoking, at pagdebelop sa ibang parte ng lupain.
Ibinasura naman nito ang posibilidad na maghati sila ng Taguig City sa buwis na makakalap at iginiit na dapat pa umanong magbayad sa kanila ang Taguig sa nawalang kita nila sa mga nakalipas na taon.