MANILA, Philippines - Pinangunahan kahapon ng commuter group na Riles Laan sa Sambayanan (RILES) Network ang serye ng protesta upang tutulan ang gagawing public consultation para sa MRT at LRT fare hike sa MRT North Avenue station.
Ayon kay RILES Network spokesperson Sammy Malunes, layon ng kanilang pagkilos na maipaliwanag sa taumbayan ang pahayag ng Malakanyang hinggil dito dahil hindi anya subsidiya sa pamasahe ang pondong inilalaan ng Kongreso sa MRT kundi pambayad utang sa international companies.
Sinabi ni Malunes na sinagot lamang ng pamaÂhalaan ang utang ng pribadong kompanyang nangangasiwa sa MRT para protektahan ang credit rating ng Pilipinas.
Bukod sa North Avenue station ng MRT, kinakaÂlampag din ng mga kaalyado ng RILES Network ang LRT line 1 Monumento station at Santolan station ng LRT line 2.
Kasado na rin ang susunod na yugto ng pagkilos ng RILES Network sa Agosto 12 at 16 para din kontrahin ang planong taas pasahe sa MRT at LRT.