^

Metro

Serye ng protesta inilarga vs MRT-LRT fare hike

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinangunahan kahapon ng commuter group na Riles Laan sa Sambayanan (RILES) Network ang serye ng protesta upang tutulan ang  gagawing public consultation para sa MRT at LRT fare hike sa MRT North Avenue station.

Ayon kay RILES Network spokesperson Sammy Malunes, layon ng kanilang pagkilos na maipaliwanag sa  taumbayan ang  pahayag ng Malakanyang hinggil dito dahil hindi anya subsidiya sa pamasahe ang pondong inilalaan ng Kongreso sa MRT kundi pambayad utang sa international companies.

Sinabi ni Malunes na sinagot lamang ng pama­halaan  ang utang ng pribadong kompanyang nangangasiwa sa MRT para protektahan ang credit rating ng Pilipinas.

Bukod sa North Avenue station ng MRT, kinaka­lampag din ng mga kaalyado ng RILES Network ang LRT line 1 Monumento station at Santolan station ng LRT line 2.

Kasado na rin ang susunod na yugto ng pagkilos ng RILES Network sa Agosto 12 at 16 para din kontrahin ang planong taas pasahe sa MRT at LRT.

 

AGOSTO

AYON

BUKOD

KASADO

KONGRESO

MALAKANYANG

NORTH AVENUE

RILES LAAN

SAMMY MALUNES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with