MANILA, Philippines - Binuo na ang Joint Security Task Force-NCR sa panguÂnguna ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) na siyang mangunguna sa pagpapanatili ng seguridad sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre 28.
Bukod sa NCRPO, kasama rin sa Task Force ang mga kinatawan ng Commission on Elections at Armed Forces of the Philippines na magtutulung-tulong sa pagbuo ng kompreÂhensibong plano para sa pangangalaga sa kaligtasan ng publiko.
Aminado naman si NCRPO Regional Director Police Chief Supt. Marcelo Garbo Jr. na iba ang Barangay at SK elections sa naganap na mid-term elections noong Mayo mula sa sistema ng bilangan ng boto at inaasahang pagtaas ng bilang ng mga botante na posibleng pagmulan ng kaguluhan.
Sa kasaysayan ng bansa, karaniwang mas magulo ang Barangay Elections dahil sa dami ng mga kandidato at personal na banggaan ng mga kandidato sa lebel ng barangay.
Nasampolan ang Comelec sa posibleng gulo na maraÂranasan sa naturang halalan nang maraming mga local offices ang magkagulo sa panahon pa lang ng pagpaparehistro.
Dahil dito, maagang inatasan ni Garbo ang kanyang mga District Directors na ilatag at mas palakasin pa ang kanilang security plan na isinagawa nitong katatapos na National Elections noong Mayo.