Engineer lasog sa tren

MANILA, Philippines - Nagkalasug-lasog matapos makaladkad ng may 50 metro ang katawan ng isang 23-anyos na engineer na  hinihinalang tumalon habang paparating ang tren ng Philippine National Railways (PNR) sa Beata Station sa Pandacan, Maynila, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Insp. Rodrigo Tigio, ng MPD-Traffic Enforcement Unit (MPD-TEU) ang nasawi na si Confucius Ephraim Peralta, residente ng San Jose St., Beata, Pandacan, Maynila.

Naganap ang insidente dakong alas-5:50 ng umaga habang paparating ang PNR train na may body no. 537 na pinatatakbo ni Aries Calaguas nang bigla umanong tumalon­ ang nasawi at makaladkad pa ng may ilang metro.

Sa naging pahayag sa imbestigador ni Gerry Tingson, nakatalagang security guard sa nasabing PNR station,  naghihintay ng tren na mula sa Tutuban station ang biktima at iba pang pasahero. Nakita umanong binitiwan ng nasawi ang kanyang mga dalang gamit at tumalon sa riles habang may paparating na tren. Gayunman, may nagsasabi rin na posibleng nadulas ito dahil sa basa ang platform.

Patuloy pa ang isinasagawang masusing imbes­tigasyon ng pulisya para matiyak ang tunay na pangyayari o kung may naganap na foul play dito.

 

Show comments