^

Metro

Vendor, dedo sa boga

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang vendor matapos na barilin sa ulo ng lalaking­ umano’y kanyang nakaalitan habang nagbababa ng paninda sa Bgy. Bambang, Pasig City kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Ronaldo Rodriguez, 33, residente ng Phase 3, Villa Cuana, Nagpayong, Bgy. Pinagbuhatan, Pasig City.

Mabilis namang nakatakas ang di kilalang suspect, tangay­ ang isang .9mm na kalibre ng baril na ginamit sa krimen.

Batay sa ulat na nakarating sa tanggapan ni P/Chief Insp. Oscar Boyles, hepe ng Criminal Investigation Unit (CIU) ng Pasig City Police, dakong alas-3 ng madaling-araw nang ma­ganap ang pamamaril sa biktima sa VATODA terminal na matatagpuan sa Valderama St., Bgy. Bambang.

Nabatid na nagbababa umano ang biktima ng kanyang mga
panindang gulay mula sa pick-up na sasakyan nito nang bigla­ na lang lapitan ng suspect.

Sa hindi malamang kadahilanan ay nagkaroon umano ng pagtatalo sa pagitan ng suspect at biktima hanggang sa bigla­  na lang umanong maglabas ng baril ang una at bi­naril sa ulo ang huli na agad na nasawi.

Tatlong basyo ng bala ang narekober ng pulisya mula sa pinangyarihan ng krimen, na patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad.

vuukle comment

BAMBANG

BGY

CHIEF INSP

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

OSCAR BOYLES

PASIG CITY

PASIG CITY POLICE

RONALDO RODRIGUEZ

VALDERAMA ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with