MANILA, Philippines - Kahawig umano ng isang nasibak na pulis Maynila ang isa sa dalawang holdaper na sakay ng sports utility vehicle (SUV) na nanutok ng baril at tumangay ng salapi at mga kagamitan ng isang 72-anyos na New Zealander sa Ermita, Maynila, kahapon ng umaga.
Sa reklamong inihain sa tanggapan ng Manila Police District-General and Investigation Section (MPD-GAIS), ng biktimang si James Walter Mcintyre, nanunuluyan sa Slouch Hat Inn, sa MH Del Pilar St. Malate, Maynila, naÂtangay sa kaniya ng mga holdaper ang kawi-withdraw lang niya sa automated teller machine (ATM) na P20,000; 500 na New Zealand dollars (katumbas ng P391.95), sunglass at cellphone, dakong alas-10:00 ng umaga.
Nakuha lamang umano niya ang plate number na RND-836 na ayon naman sa Land Transportation Office (LTO) ay wala umanong reÂcord kung kaya pinalaÂlagay na peke.
Nang ipakita sa biktima ang files ng mga dating may record ng panghoholdap, itinuro ng biktima kay SPO2 John Cayetano, imÂbesÂtigador ng MPD-GAS, na kahawig ng isang PO3 Eduardo Cayabyab ang isa sa
homoldap sa kaniya at naÂnutok ng baril, dismayado naman ang matandang foÂreigner dahil pabalik na siya ng kaniyang bansa.
Patuloy pang inaalam kung ang nasabing pulis ang sangkot sa holdapan.