^

Metro

Ex-pulis itinurong holdaper

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kahawig umano ng isang nasibak na pulis Maynila ang isa sa dalawang holdaper na sakay ng sports utility vehicle (SUV) na nanutok ng baril at tumangay ng salapi at mga kagamitan ng isang 72-anyos na New Zealander  sa Ermita, Maynila, kahapon ng umaga.

Sa reklamong inihain sa tanggapan ng Manila Police District-General and Investigation Section (MPD-GAIS), ng biktimang si James Walter­ Mcintyre, nanunuluyan sa  Slouch  Hat Inn,  sa MH Del Pilar St. Malate, Maynila, na­tangay sa kaniya ng mga holdaper ang kawi-withdraw lang niya sa automated teller machine (ATM) na P20,000; 500 na New Zealand dollars (katumbas ng P391.95), sunglass at cellphone, dakong alas-10:00 ng umaga.

Nakuha lamang umano niya ang plate number na RND-836 na ayon  naman sa Land Transportation Office (LTO) ay wala umanong re­cord kung kaya pinala­lagay na peke.

Nang ipakita sa biktima ang files ng mga dating may record ng panghoholdap, itinuro ng biktima kay SPO2 John Cayetano, im­bes­tigador ng MPD-GAS, na kahawig ng isang  PO3 Eduardo Cayabyab ang isa sa
homoldap sa kaniya at na­nutok ng baril, dismayado naman ang matandang fo­reigner­ dahil pabalik na siya ng kaniyang bansa.

Patuloy pang inaalam kung ang nasabing pulis ang sangkot sa holdapan.

vuukle comment

DEL PILAR ST. MALATE

EDUARDO CAYABYAB

HAT INN

JAMES WALTER

JOHN CAYETANO

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MANILA POLICE DISTRICT-GENERAL AND INVESTIGATION SECTION

MAYNILA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with